Tagalog Inspirational Friendship Quotes


Tagalog Inspirational Friendship Quotes

Kung mayron kang tunay na kaibigan wag mong hahayaang mawala sya sayo kase ano man ang mangyari sa hirap man o ginhawa kayo pa rin ang magkasama. Maging magkalayo man kayo pero ang ala-ala na inyong iniwan ay hindi mawawala sa inyong mga puso kase sa maikling panahon na magkasama kayo naranasan nyo ang maging masaya.

Tagalog Inspirational Friendship Quotes

“Isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay yung maalala ka ng KAIBIGAN mo KAHIT WALA SIYANG KAILANGAN SAU.”

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon maalala ka lang ng isang tao kung may kailangan sya sayo lalo na kung kaibigan mo pa ito. Mag-aalala sya sau kase mahal ka nya, kase mahalaga ka sa kanya at ang mas importante sa lahat kase tinuturing ka nyang totoo at tapat na kaibigan. Kase kung totoong tunay mo syang kaibigan ituturing ka rin nyang parang tunay na kapatid.

“Ang tunay na MAGKAIBIGAN nagaasaran, naglalaitan pero hindi NAG-IIWANAN.”

Hindi mawawala sa isang samahan ang panglalait sa kasama nya, yung mismong aasarin ka hanggang magalit kana. Hindi ka titigilan hanggang wala pang umiiyak. Tatawanan ka sa simpleng pagkakamali mo. Pero kahit ganun susuyuin ka nyan sa oras na nagalit kana. Kase ganyan ang tunay na magkakaibigan, hindi kau magiging masaya kung walang magiging kontrabida.

“Ang tunay na kaibigan, ay parang magnet, didikit sa bakal pero hindi sa mga plastic.”

Mas masarap pang kasama ang iyong kaibigan kaysa sa iba. Kase alam mong mapagkakatiwalaan mo sya, kung sya lang yung taong malalabasan mo ng iyong nararamdaman na kahit sa iyong mga magulang hindi mo masabi. Kase alam mong hindi nya sisirain ung mga pangakong kanyang binitawan. Kahit hindi kayo magkasama, mayron kayong pagtatampuhan hindi pa rin mawawala ung tiwalang ibinigay mo sa kanya kase alam mo sa sarili mo na totoo syang kaibigan.

Tagalog Inspirational Friendship Quotes

“Ang tunay na kaibigan kahit may tampuhan man hindi nangbubunyag ng sikreto yan.”

Hindi naman mawawala sa isang samahan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatampuhan. Hindi kayo magpapansinan hanggang kalian nyo gusto pero kahit ganun ang tiwala nyo hindi mawawala kahit ano man ang mangyari. Hindi nyo hahayaang mabuwag ang inyong samahan sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan. Dahil ang tunay na magkaibigan iisipin ang kapakanan ng isa bago ang sarili nya.

“Bestfriends. Sila yung lagging nanjan kapag iniwan ka ng taong akala mong magpapasaya sayo habang buhay.”

Sila yung taong mapupuntahan mo kapag may problema ka. Yung taong laging nanjan upang tumulong at gumabay sayo sa landas ng iyong buhay. Sa simpleng tawag mo lang darating at darating yan kahit napakarami pang gawain ang ginagawa nyan kase hindi nila gustong nasasaktan ang kanilang tunay na kaibigan.

“Hindi ko kailangan ng taong sisirain ang tiwala ko. Ang kailangan ko, ay yung taong iingatan ang tiwalang ibingay ko kahit nakatalikod ako.”

Minsan nga mas pinagkakatiwalaan mo pa ang iyong kaibigan kaysa sa sarili mong mga magulang. Nasasabi mo sa kanila ang mga sekreto at mga problema mo hindi mo masabi sa iyong mga magulang at sa ibang tao. Kase nahihiya ka at natatakot na malaman ito ng iba. At dahil sa alam mong hindi sisirain ng kaibigan moa ng tiwalang ibinigay mo sa kanya kahit wala ka lagi sa tabi nya sa kanya mo lang lagi ito nasasabi. Minsan nga daig nyo pa ang magjowa kase halos kwento ng buhay nyo mula pagkabata ay alam ng isa’t-isa.

girls-women-happy-sexy-53364

“Di man sila perpektong kaibigan pero perpekto naman ang araw mo pag kasama mo sila.”

Sabi nga wala naming perpekto sa mundo, lahat tayo may kanya kanyang kapintasan sa sarili. Lahat tayo may kanya kanyang ugali merong masama merong maganda, pero kahit ganun kung alam mong sila ung taong nagpapasaya sayo at feeling mo kapag kasama mo sila sa kanila ka lang sasaya. Kaya nga kahit ano pang ugali meron ang kaibigan mo titiisin mo ito kase magiging buo lang araw mop ag sila ang kasama mo.

“Barkada. Hindi kumpleto ang isang barkada kapag walang matino at loko sa tropa.”

Hindi naman magiging masaya ang isang barkada kung walang joker, sira ulo, loko-loko kase sila ung nagiging dahilan kung bakit kayo masaya. Kung bakit naiisip mo na sa tuwing kasama ko sila ay masaya ako, hindi ko nararamdaman lahat ng mga problema ko kahit sa isang maikling oras lamang. Pero hindi naman mawawala jan ang matino at neard yung halos ang inatupag lang ay pag-aaral. Pero ganyan talaga hindi magiging masaya ang isang tropa kung wala ang ganyang mga tao na dahilan kung bakit tau masaya.

“Kaibigan. Sila yung taong madaling lapitan na walang hinihinging kapalit mapasaya ka lang.”

Ang isang kaibigan hindi ka nyan hahayaang nasasaktan dahil mas nasasaktan yan kung nakikita ka nyang hindi masaya. Kase ang isang magkaibigan nagdadamayan sa oras ng pangangailangan. Tutulungan ka nyan hanggang kaya nya, gagabayan ka sa iyong mga gagawin at higit sa lahat hindi nya palalampasin ang isang araw na hindi ka nya nakikitang masaya.

“Ang kaibigan pinahahalagahan hindi sinasayang.”

Siguro nga napakahirap na ngayong makahanap ng isang tunay na kaibigan yung mismong nagkakatampuhan na kayo susuyuin ka kaagad at hindi kayang matapos ang araw ng hindi kayo nagkakausap. Yung hindi kayang makita ka na nasasaktan na halos daigin pa ang iyong syota sa pagmamahal sayo. Kase kung tunay yang kaibigan mamahalin ka nyan at aalagaan na parang tunay na kapamilya.

Thank you for visiting our blog site, hope that you enjoy reading. For more updates just visit our FB page motivatequotes.com. Please Like and Share

(Visited 90 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *