Paraan upang Mabilis na Matuto sa Trabaho


Bago pumasok sa isang trabaho alamin muna natin kung ano baa ng tamang trabaho ang nararapat para sa atin. Kung angkop ba sa kakayahan ko ang trabahong gusto kong pasukin. Kaya ko ba ito. Maaaring nag-aalinlangan ka at nagdadalawang isip.

Mas magandang maging handa tayo sa kung anong mangyayari sa atin. Mas maganda ang pagkakaroon ng mas maraming kaalaman sa trabaho. Mas maraming opurtunidad ang maari mong pasukin.

Paraan upang Mabilis na Matuto sa Trabaho

Magtanong at Magpaturo sa mas Nakakaalam

Mas magandang humingi ng gabay at tulong sa mga mas nakakaalam sa iyo. Kung ikaw ay may isang bagay na nahihirapang gawin at kung sa tingin mo ay nahihirapan kana mas maganda ng humingi ng tulong sa may kaalaman sa gawaing nahihirapan ka. Makinig sa mga  sinasabi niya upang madali mo itong maunawaan at upang hindi na makapagpaabala ng matagal sa kanya. At lagging magpasalamat sa lahat ng naitutulong sa iyo ng mga kasamahan mo.

Makitungo sa ibang team

Kung gusto mong matuto ng ibang trabaho na hindi mo pa nagagawa sa ngayon na mayroon sa inyong kumpanya makitungo ka at makipagkaibigan sa ibang team. Alamin moa ng mga gawaing ginagawa nila upang madali mo rin itong matutunan. Hindi naman pag-eespiya sa iba ang ginagawa mo. Ang gusto mo lamang ay magkaroon kappa ng ibang kaalam maliban sa ginagawa mo ngayon.

Paraan upang Mabilis na Matuto sa Trabaho

Mag-aral muli

Upang mas lumawak pa ang iyong kaalaman at gusto mong mapromote sa trabahong iyong pinapasukan, maaari kang mag-aral muli. Marami sa mga kompanya ngayon ay nangangailangan ng mga master’s degree kung gusto mong mapromote sa iyong trabaho at mas lumaki pa ang iyong sweldo. Maaari kang pumasok sa mga unibersidad na nag-oofer ng ganitong programa upang mapadal ang iyong promotion. Maari kang mag-aral habang nagtatrabaho para sa pangarap na pinakaaasam mo.

Magkaroon ng Teamwork

Ang pagkakaroon ng teamwork ng miyembro ng isang team ay isang paraan upang mapaganda at mas mapadali ang isang trabaho. Matututo ka sa mga ideya na ibinibigay ng mga ka team mate mo para sa isang project na gagawin nyo na maaari mo ring maibahagi pa ito para sa mga susunod na gagawin nyo. Ang pagkaka-isa ng isang team ay nagbubunga na magandang resulta kung para sa isang team na walang teamwork.

Paraan upang Mabilis na Matuto sa Trabaho

Maging palakaibigan sa loob ng iyong trabaho

Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan sa iyong trabaho ay makapagdudulot ng mabuti para sayo. Maaari na nilang matulungan sa mga bagay na hindi mo pa nalalaman at sa mga gawaing lubos kang nahihirapan sa inyong trabaho. Mas madali ka pa ring makakapagtanong sa kanila kung ikaw ay may mga bagay na hindi maintidihan at naguguluhan.

Magfocus sa iyong trabaho

Kung ikaw ay nasa office at nagtatrabaho, ifocus lang ang iyong sarili sa kung anong ginagawa mo. Huwag gumawa ng mga gawaing walang kinalaman sa iyong trabaho. Gawin munang priority ang iyong trabaho bago ang mga bagay na walang kinalaman sa trabaho mo. Upang madali kang matuto sa iyong trabaho.

 

Source: http://www.careerhub.ph/blog/paraan-para-mabilis-matuto-sa-iyong-trabaho/

(Visited 14 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *