Para Kay, Estudyante

Para Kay, Estudyante

Madaming mga estudyante ngayon ang kung ano-ano ang ginagawa sa buhay nila, bilang estudyante dapat alam natin ang mga rason natin kung bakit tayo nag-aaral. Dahil ito ang pinaka magandang bagay para sa mga taong sumuporta sa atin.

1

“May pacrush-crush ka pang nalalaman para may inspiration sa pag-aaral mo, ba’t si nanay mo ba kailangan din ng crush para pag-aaralin ka? Aba! Aral muna, bago landi. Di ka pinag-aral ng nanay mo para magka-crush ng sandamakmak.”

b2

“Habang may nagpapaaral sayo mag-aral ka hindi ibang bagay ang inaatupag mo, hindi mo alam kung kelan mawawala yung mga taong nagpapakahirap mapag-aral ka lang. Kaya lubusin mo hanggang makatapos ka at wag mong kalimutan magpasalamat sa mga taong nag-paaral sayo dahil regalo nila sayo yan”

 

b33

“Wag kang maintimidate kung may nakitang kang magaling, matalino at maganda/gwapo na estudyante. Dahil ang good news magaling,matalino at maganda/gwapo sila, ang bad news mas magaling, mas matalino at mas maganda/gwapo ka sa kanila. Wag ka papatalo, laban lang. Estudyante lang sila, ikaw din. Wala pa kayo sa totoong laban ng buhay, kaya arat lang ng arat! Parang Globe go lang ng go!”

 

b in

Kain, Aral, Tulog

Kung ganyan lang ang mindset lahat ng estudyante ngayon siguro walang adik, buntis at basagulero. Sarap kaya ng ganyang buhay ang iisipin mo lang pag-aaral mo, walang jowang magbre-break din naman at bisyo pagkakaaksayahan ng baon. Kaya ikaw na nagbabasa nito maghunosdili ka na.


 

Thank you for reading my Quotes I  hope you enjoy it.

If you want more visit our other stories and quotes to get inspire and related.

(Visited 26 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *