Inspirational quotes


Ang inspirasyon ay nagbibigay ng lakas ng loob upang maging matagumpay ang buhay. Huwag tayo bibigo sa anumang hadlang dahil lahat ng bagay ay mabibigyan ng solusyon. Gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa at pahalagahan kung ano ang binigay saatin ng diyos.

Inspirational quotes

“Overcome your fear”

Normal lang naman matakot kapag hindi natin maasahan na mabibigla na lang tayo. Ito ay literal na takot. Ang pinagbabasehan dito na hindi dapat tayo manatili sa takot at hina ng loob. Anong mangyayari kung magtatago nalang at mananahimik sa isang tabi. Hindi talaga maiwasan mapahiya sa ibang tao dahil sa pagkakamali. Halimbawa ikaw ang nilaban sa singing contest sinabi mo ayaw mo dahil hindi mong kayang kumanta sa entablado. Paano mo masasabing hindi mo kaya, hindi mo pa nga nasusubukan eh. Alisin natin ang takot sa puso kung kinakailangan.

Inspirational quotes

“Keep Fighting”

Lumaban tayo hangga’t kaya pa. Huwag tayo magpapatalo sa kahinaan. Ipaglaban natin kung ano ang tama. Gumamit tayo ng self defense kung kinakailangan. Mas maganda pa nga sumali ka ng taekwondo o restling para mas matuto tayo mag self defense. Padagdag tapang din yun. Wala naman masama kung gusto mo. Kapag may masamang motibo sa’yo yung tao. Bigyan mo ng leksyon. Tingnan mo titigil yun. Dapat matuto tayo maging alerto at lumaban dahil maraming masamang tao sa mundo.

Inspirational quotes

“Working hard is the best way to success”

Kung masipag ka sa lahat ng trabaho. Marami kang matatapos at higit doon, makakapahinga ka pa ng maaga. Lahat ng bagay may katapusan kaya kailangan meron tiyaga at pagtitiis. Ang buhay may hirap at tagumpay dahil kung pinaghihirapan mo ang trabaho mo, magiging sucessful ka. Ang pagiging matiisin ay pinagpala ng panginoon.Inspirational quotes

“Kung gusto momaging mayaman matuto ka mag ipon”

Hindi madali maging mayaman dahil marami ka pang hirap na dadaanan. Kung gusto mo magkaroon ng maraming pera sa bulsa. Una sa lahat kailangan mo maging madiskarte sa buhay lalo na kung hindi propesyonal ang trabaho mo. Kailangan mo makapagtapos ng pag-aaral upang maging propesyonal ang trabaho mo. Hindi mo naman kailangan maging matalino para maging mataas ang posisyon mo. Ang importante marami ka nang naitulong sa kompanya. Kung nakaka ipon ka ng madami. Itabi mo ng itabi hanggang sa dumami ang pera mo.

 

Inspirational quotes

“Ang buhay ay parang libro, Sa bawat pahina may kuwento”

Bawat buhay ng tao may kanya-kanyang kuwento. Hindi mawawala ang kasiyahan, kalungkutan at tagumpay. Bawat ginagawa mo ay nakasulat sa pahina ng libro at siyempre hindi mawawala ang katapusan. Kung gusto niyong mag share ng iyong buhay. Wala naman masama kung gusto nyo. Minsan pag nanunuod tayo ng MMK mapapanood natin ang kuwento ng totoong buhay. Nakaka inspire di ba? Tapos marami tayong mapupulot na aral.

Inspirational quotes

“Life can change”

Ang buhay ay nagbabago. Habang tumatagal nag iiba ang ating kapaligiran. Marami nang naiimbentong teknolohiya, kalikasan at higit sa lahat ay tao. Habang lumilipas ang panahon, unting unti tumatanda at nanghihina kaya mag enjoy habang bata pa dahil sa sunod hindi na yan babalik. Napaka imposible na. Pwera nalang kung magbabata isip ka. Hahaha. Joke! Basta sulitin ang biyaya na binigay ng diyos sa araw araw.

Inspirational quotes

“Ang magandang ala-ala ay nagbibigay ng inspiration saatin”

Kapag ikaw ay nakaramdam ng lungkot. Palagi mong isipin ang mga masasayang ala-ala mo na naka ipon sa isip mo. Katulad ng family bonding. Isa sa pinaka nakaka inspire dahil walang katumbas ang pagmamahal. Kaya dapat bigyan natin ng pagpapahalaga ang masasayang ala-ala. Kung meron nakakatawa,nakakabaliw o nakakakilig man yan. Edi ipunin mo sa isip mo. Huwag ka nga lang magkaroon ng alzeimer mawawalan ka ng ala-ala.

Inspirational quotes

“You will learn everything in your experience”

Naniniwala tayo sa kasabihang experience is the best teacher kapag marami kang experience marami kang matutunan. Sa pagpasok mo palang sa school marami ka nang malalaman lalo na kung nasa trabaho ka. Sa umpisa medyo mahirap pero kapag nakasanayan na madali nalang pala dahil alam mo na ang gagawin mo eh. Bakit mo pa sasabihin na mahirap parin?

Inspirational quotes

“Be happy”

Kapag masayahin ang isang tao, ang ibig sabihin niyan ay palaging nag-iisip ng positibo yan. Minsan kapag may kilala tayong isang tao na hindi marunong magalit sinasabi manhid? Hindi totoo yan. Nakakaramdam din yan ng lungkot akala mo lang nakangiti lang dahil ayaw niya ipakita sa iba na malungkot siya. May taong ganun. Para sa nagtataka, lahat ng tao ay may emosyon yung iba nga lang hindi pinapakita. Sa mga masyado naman emo. Walang mangyayari kung palagi nalang malungkot. Think positive and be happy. Huwag magpapatalo sa pagsubok. Keep calm and enjoy your life.

Inspirational quotes

“Ang tao nagbabago pero ang oras hindi mababago”

Time never change dahil tuloy-tuloy at paulit ulit lang yan ngunit ang panahon ay lumilipas. Bawat araw dapat nilalaanan ng oras. Kailangan matuto tayong mag manage ng time hangga’t mahaba pa. Napaka importante sa buhay yan kaya huwag natin sayangin ang oras. Maging responsable sa lahat ng bagay.

 

(Visited 37 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *