Hugot Quotes for the day


Hugot Quotes for the day
Sa bawat araw na dumaraan matuto tayong lumaban at harapin ito ng may takot sa diyos. Walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Maaring maging instrumento lamang ang iba tao upang maging gabay natin patungo sa landas na ating tatahakin.

Hugot Quotes for the Day

“SA TAMANG PANAHON, may isang taong magpapatunay sayo kung bakit ka para sa kanya. At kung bakit HINDI KA PARA SA IBA.”

Pahalagahan natin ang taong mga nakapaligid sa atin ngayon. Yung mga taong handang gawin ang lahat para mapasaya ka sa piling niya at hindi sa piling ng iba. Sa simpleng ngiti mo lang halos langit na ang nadarama nya. Yung pipiliin nyang gawin ang lahat para sayo bago ang iba. Kase mahalaga ka sa kanya, kase alam nyang sa tuwing kasama mo sya sa kanya ka lang sasaya.

“Kapag nadapa ka, Bumangon ka! Tandaan mo, May pagkakataon ka para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon , TAMA sila.”

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na may magagawa tayong mga bagay na sa tingin ng ibang tao ay hindi maganda. Sabi nga ng iba, tao lang nagkakamali din. Pero sa bawat pagkakamaling ito, huwag tayong mawawalan ng pag-asang lumaban at ipakita sa ibang tao na kaya natin. Maging napakabigat man ng mga pagkakamaling nagawa natin, ipakita natin sa iba na kaya nating lumaban, na kaya nating ituwid ang mga bagay na minsan ng nakasira sa ating kinabukasan.

“Minsan gusto mo nang sabihin na tama na. Pero pag naalala mo ang lahat. Napapaiyak ka na lang.”

Masarap balik-balikan ang nakaraan, kahit ang nakaraang ito ang nagbigay sayo ng matinding kasawian. Kasawian na halos maging dahilan ng iyong kapahamakan. Pero paano mo nga ba ito makakalimutan ang panahong minsan ng nagbigay sayo ng matinding kasiyahan. Kasiyahang naging dahilan din ng iyong matinding kalungkutan.

Hugot Quotes for the Day

“Yung taong hindi nagsasawang ipadama sayo araw-araw yung salitang PAGPAPAHALAGA, PAGRESPETO at higit sa lahat PAGMAMAHAL!”

May mga tao talagang kayang ipadama sayo na mahalaga ka, na kayang ibigay ang lahat para sa taong minamahal nila. Yung taong kaya kang irespeto hindi lamang sa harap ng magulang mo kundi maging sa harap ng maraming tao. Yung kayang sabihin sa maraming tao na ikaw lang ang mamahlin ko.

“Marami ang nakakakilala sayo pero konti lang ang tunay na nakakaintindi sayo.”

Hindi sa lahat ng pagkakataon maiintindihan ka ng maraming tao. Yung kayang intindihin lahat ng gusto mo. Yung kayang sakyan lahat ng biro mo lalo na kung ito ay nakakasakit na ng ibang tao. Kaya matuto kang makibagay sa lahat ng taong nakapaligid sayo.

“Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.”

Nabubuhay tayo upang lumaban sa lahat ng hamon ng buhay. Sa hamon ng buhay na magbibigay sa atin ng lakas ng loob upang lumaban. Upang lumaban at matuto hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa lahat ng nakapaligid sa atin. Gawin nating inspirasayon ang mga pagsubok na dumaraan sa ating buhay upang hindi panghinaan ng loob na harapin ang hamon ng buhay sa sarili nating mga paa.

Hugot Quotes for the Day

“Hindi masamang mahalin mo siya. Ang masama lang, ay yung pinipilit mong mahalin ka rin nya.”

Hindi naman masamang magmahal, pero ang masama lamang ay yung ipilit mo ang sarili sa taong hindi naman kayang pahalagahan lahat ng efforts mo. Sabi nga sa isang quotation minahal mo, minahal kaba? Marami pang taong mas deserving para sa pagmamahal mo kaya huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi kayang pahalagahan lahat ng ginagawa mo, may taong mas deserving ang pagmamahal mo hindi mo lang nakikita kase nakatago ka sa taong walang pake alam sayo.

“Sana sinusulat nalang ang feelings, para madali lang burahin.”

Madaling gumawa ng istorya ng buhay, pero ang mahirap ang ito ay kalimutan. Ang kalimutan ang mga masasaya at masasakit na araw na tayo pang dalawa ang magkasama. Mga araw na nangako tayo sa isa’t-isa na tayo lang dalawa ang magsasama habang buhay. Pero sa bawat pangako na ibinigay mo, isa-isa din itong naglaho. Sana nga may kapangyarihan ang isang tao na kayang burahin lahat ng ala-ala na tayo pang dalawa ang magkasama.

“Hindi lahat ng minamahal dapat ipaglaban, at hindi lahat ng nagmamahal sa’yo, dapat mong saktan.”

May mga tao talagang kayang patunayan mga pangakong kanilang binibitawan. Pero sa bawat tao na ito bakit meron talaga ang kaya kang saktan. Bakit nga ba ipipilit mo ang sarili mo sa kung mismong salitang pangako hindi nya kayang bitawan. Hindi naman masamang mag give-up sa taong walang alam gawin kundi ang saktan at paluhain ka.

“Kung may iiwan ka siguraduhin mong hindi MAHALAGA Para hindi ka manghinayng pag nakuha sya ng iba.”

Huwag mong sayangin ang isang tao deserving para sayo kung sa huli alam mong pagsisihan mo ito. Maraming taong nakikita lamang ang kahalagan ng isang bagay kung wala na ito. Parang sa isang relasyon huwag mong sayangin ang pagmamahal na ibinigay nya para sayo kase sa huli makikita mo lang ang kahalagahan nya kung nasa piling na sya ng ibang tao.

Thank you for visiting our blog site, hope that you enjoy reading. For more updates just visit our FB page motivatequotes.com. Please Like and Share

(Visited 25 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *