Dahilan kung bakit ka Masaya


Dahilan kung bakit ka Masaya

Sa bawat bagay na natatanggap natin lahat tayo nagiging masaya. Maging ito ay maliit man o Malaki. Dahil ang kasiyahan ng tao ay hindi nakadipende sa laki ng bagay na iyong natatanggap datapwa’t sa taong nagbibigay nito.

Dahilan kung bakit ka Masaya

Pamilya

Sila ang masasandalan mo sa oras ng problema. Sila yung taong handang ibigay ang lahat gusto mo mapasaya ka lang. Mas masasaktan sila kapag nasasaktan ka. At higit sa lahat hinding hindi ka iiwan at mapgpaparamdam sayo kung bakit kailangan mong lumaban.

Dahilan kung bakit ka Masaya

Kaibigan

Kasama mo sa oras ng kagipitan, kalungkutan at lalong-lalo na sa oras ng kalokohan. Magbibigay ng advice sa tuwing ika’y may problema kahit sariling problema di masolusyunan matulungan ka lamang. Sasakyan lahat ng mga biro mo kahit wala namang kabuluhan. Tatawanan lahat ng jokes mo kahit hindi katawa-tawa mapasaya ka lang. Pauutangin ka kahit alam nyang wala ng bayaran. At ang mahalaga sa lahat hindi ka iiwan kahit ano pang problema at dumaan. Ganyan ang mga tunay na kaibigan.

Dahilan kung bakit ka Masaya

Trabaho

Ito ang isang paraan upang magkapera ang isang tao. Subalit hindi ito magiging madali kung hindi mo pagsusumikapan at ibigay ang iyong makakaya upang magtagumpay sa buhay. Lahat naman tayo kailangan magtrabaho upang makamit ang ating mga pangarap, dahil hindi lamang nakabase an gating tagumpay sa kung anong meron ka datapwa’t sinasamhan ito ng matinding sipag at lakas ng loob upang tayo ay magtagumpay.

Dahilan kung bakit ka Masaya

Pera

Marahil isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang lahat ng tao masaya. Bakit magiging masaya ka bang talaga kung alam mong wala kang pera? Magiging masaya kaba kung alam mong kumakalam na ang iyong sikmura sa gutom sa kadahilanang wala kang pera? Mabibili moba ang mga bagay na sa tingin mo ay makakapagpasaya sayo kung wala kang pera?  Marahil hindi ang sagot sa lahat ng mga katanungang ito.  Kase magiging masaya ka lang kung mapapakinabangan moa ng iyong pera.

Dahilan kung bakit ka Masaya

Pag-ibig

Masasabi mo lang na masaya kana kung mahahanap mo lang ang taong kukumpleto ng buhay mo. Ung taong mamahalin ka at pagsisilbihan ka ng tapat. Ung taong kayang ibigay ang lahat mapasaya ka lang. Ung taong kayang iwan ang nakaraaan upang gumawa ng bagong istorya ng magpakailanman.

Thank you for visiting our blog site, hope that you enjoy reading. For more updates just visit our FB page motivatequotes.com. Please Like and Share

(Visited 39 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *