Best Motivation and Inspiration Quotes


Kung tayo ay nakikinig sa mabuting payo ng mas nakakatanda saatin. Marami taong makukuhang aral dahil isa ito sa nakakapag motivate. Lahat ng experience iniipon sa puso at isipan. Kung may darating na magandang balita, e di okey. Huwag tayo mahiyang magtanong kung nangangailangan ng tulong pero pangit naman ang masyadong umaasa sa iba. Naniniwala tayo sa kasabihan na “habang buhay may pag-asa” pero huwag naman masyadong umasa at paasa. 🙂

Best motivation quotes

“Take the opportunities”

Huwang natin sayangin ang pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Sulitin ang oras. Huwag tayo titigil sa oportunidad. Hangga’t may tumutulong gamitin sa kabutihan, hangga’t dumarating na biyaya sulitin. Subukan ng subukan hangga’t may masusubukan. Sabi nga sa Globe “go lang ng go”.

Best motivation quotes

“Do not stay in your comfort zone”

Huwag panatilihin ang limitasyon at sa nakasanayan lang. Huwag mong sabihin na hanggang diyan lang ang kaya ng puso at isipan mo. Matuto mag-explore at mag-discover ng ibang mahahalagang bagay. Tandaan, importante sa tao ang pagiging independent. Lahat ng hirap madadaanan yan kaya gamitin ang lakas ng loob. Iwasan ang pagsasabi ng “ang hirap naman, hindi ko kaya”. Tiwala lang sa sarili dahil wala nang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo lang.

Best Motivation and Inspiration Quotes

“Keep calm and think positive”

Ang sobrang pag-iisip ay magiging sanhi ng stress. Huwag mo masyadong paka dibdibin ang mga problema. Mag-isip ka ng masasayang ala-ala o kaya makinig ka ng mga music na gusto mong patugtugin dahil isa itong nakaka relieve ng stress. At isa pa, kapag mainit ang ulo mo. Huwag mong idamay ang ibang tao baka lalo pang lumaki ang problema. Panatilihin lang maging kalmado.

Best Motivation and Inspiration Quotes

“Help yourself first before others”

Paano mo matutulungan ang iba kung hindi mo kayang tulungan ang sarili mo. Kung pursigido ka talaga tumulong sa iba, huwag mong pababayaan ang kabutihan sa iyong puso at isip kung handa ka magsakripisyo sa lahat ng bagay. Magkaroon ng bait sa sarili sabi nga ng iba, huwag lang maging selfish dahil masama na yun. Dahil ang pagiging matulungin, nagpapakita yan ng respeto.

Best Motivation and Inspiration Quotes

“Do not show your weeknesses”

May mga bagay talaga na kailangan tanggapin ang problema kaya huwag panghinaan ng loob. Malampasan ang pagsubok hangga’t may pag-asa. Kahit ilang beses ka madapa, bumangon ka parin hanggang sa maabot mo ang tagumpay. Stay strong and do not quit. Yan ang tandaan mo.

Best Motivation and Inspiration Quotes

“Winner not loser”

Manalo man o matalo gawin parin ang makakaya natin. Isipin mo na magiging magaling ka din. Huwag kang magpapatalo sa lahat ng challenges. Hindi ka man number 1 basta mabuti kang tao. Panalo ka parin dahil ang kabutihan ay walang katumbas ng magaling.

(Visited 23 times, 1 visits today)
loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *