Top Break Up Lines


         

        We all know that we can’t have everything we want. Even we want our relationship forever, there are times that it is destined to end. For those who got broken, we have compiled Top Break Up Lines for you. 

Break Up Lines

It’s not you, it’s me.

Ito yung linya ng mga pa-PLAY SAFE, yung line na maiinis ka talaga. Kapag sinabihan ka ng ganito lalo ka lang maguguluhan, wala daw problema sayo, sya ang may problema pero hindi naman nya sinasabi kung ano. Ganun ba kahirap sabihin ang totoo? ayaw mong masaktan sya ganun? Truth that hurts is better than a comforting lie. Mahirap bang sabihin na bad breath sya? kung sinabi mo baka sa muling pagkakataon na nagtagpo ang landas nyo nakamouth-wash na ang ate mo.

Sorry, pero kailangan muna siguro natin ng space.

Ito yung linyang “nasasakal na ako”. Madalas ang babae selosa, lahat ng bagay dapat alam nya, kung nasan ka, sinong kasama mo, anong oras uwi mo, anong ginagawa mo, every minute may report, minsan sa sobrang pagmamahal hindi nila alam nakakasakal na sila. Pero normal lang yan sa isang relasyon, hindi SPACE ang sagot dyan kundi mabuting pag-uusap, pag-uusap na walang halong hiyawan at awayan, pag-uusap na pilit iniintindi ang isat- isa. Kung nasabihan kana ng linyang ito dapat i-evaluate mo rin ang sarili mo, baka naman sobra ka na nga, kausapin mo kung anong ayaw nya at gusto nya, lahat naman naaayos sa mabuting usapan.

Maybe it’s better for us to be just friends.

        Ito yung linya ng mga “FRIENDLY”. Gusto nila madami, ayaw magpatali sa isa. Kaya pag sinabihan ka ng ganyan, mag move on kana at maghanap ng hindi takot sa commitment.

Break Up Lines

I need to find my self.

        Ito yung linya ng mga “nawawala”. Hindi nila alam kung ano ba talaga ang gusto nila, may gusto silang marating na di nila alam. I-let go mo muna dahil mahirap kung kayo nga pero nasa ibang bagay naman ang puso’t isip nya.

Ps. Dapat kasi pinasahan mo ng WAZE nang hindi nawawala, baka mahanap nya pa ang daan pabalik sayo.

I’m inlove with someone else.

        Ito yung linya ng “two timer” we’ll di natin alam kung two lang, baka three or more. Pag sinabihan ka nyan ibig sabihin meron na syang number 2 o pwede ring ikaw ang number 2. Wag manghihinayang sa ganyang tao, dahil di ka naman talaga nya mahal, kung mahal ka nyang talaga bakit sya nagmahal ng iba?

Break Up Lines

Blanko
Ito yung linya na pinakamasakit. Yung basta nalang nawala, ung bigla nalang isang araw di na nagtetext, wala ng chat, walang call nang hindi mo man lang alam ang dahilan. Yung lahat na ng kamag-anak nya sa talampakan napagtanungan mo na pero di mo parin sya mahagilap, tinakasan kana nun. Wag ng maghintay ng isang buwan, mag move-on kana. Duwag sya at wala syang lakas ng loob na sabihin sayong break na kayo.

Hindi pa pala ako Ready.

        Ito naman yung linya ng “Immature”. Pumapasok sa relasyon ng di pa ready. Para kang nagdrive ng kotse ng di ka pa marunong, in short nag eexperiment lang, naglalaro lang. Pag lalaruan ka lang nya at iiwan pag narealize nyang di pa nya kaya.

Maybe it’s not the right time for us.

        Linya ng mga walang Rolex. Ano yung relasyon nyo wrong timing? pero pag sa iba perfect timing na? Kung feeling mo ay tama naman ang timing nyo at para sakanya ay hindi, i-let go mo na, ginagawa nya lang dahilan ang timing na yan para hiwalayan ka. Pero minsan naman, may mga bagay talaga na pipigil sa inyo, maybe your career, family or studies, just let it go, kung kayo talaga, sa huli kayo parin.

(Visited 5 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *