5 Most Heartbreaking Lines


Minsan hindi natin lubos maisip na kung sino pa yung taong sobrang mahal natin, sila pa pala ang magdudulot ng labis na hinagpis sa ating damdamin.Sa pamamagitan man ng kilos o salita,nagagawa nilang tayo ay mapaluha.

 

“Wala kang paki-alam.”

image 13

Hindi ka naman nangingialam, nagmamalasakit ka lang diba? Pero ikaw na nga tong concerrn, ikaw pa ang masasaktan. Nasabihan ka na rin ba ng ganyan? Masakit di ba?

 

“Hindi kita kailangan.”

image 14

Sobrang sakit isipin na ikaw yung nasa tabi nya, ikaw yung handang dumamay sa kanya, ikaw yung handang sumuporta sa kanya pero sasabihan ka nya na hindi ka nya kailangan. Hindi-ka-nya-kailangan! In other term, “Hindi ikaw ang kailangan nya”.

“Bahala ka sa buhay mo.”

image 15

Yung tipong wala syang interes sayo, wala syang pakialam sayo… Lagi nya na lang sasabihin na’ “Ikaw bahala”. At minsan dadating pa sa point na ang sasabihin nya ay, “Bahala ka sa buhay mo!” kasi sawang sawa na sya sayo.

“Hindi na kita mahal.”

image 16

“Hindi na kita mahal”. Matapos ang lahat, yan lang ang sasabihin nya sayo. Petmalu diba? Minsan mapapatanong ka tuloy, “San ba ko nagkulang?”. Pero naitanong mo na rin ba sa sarili mo kung nagkulang ka ba talaga o hindi lang talaga sya nakuntento sayo?

“Makakaalis ka na.”

image 18

Lahat natapos, lahat naglaho bigla dahil lang sa tatlong salita…. “Makakaalis-ka-na” . Makakaalis ka na kasi hindi na ikaw ang gusto nya, hindi na ikaw ang mahal nya, ibang babae na. Tapos na ang chapter mo sa kwento ng buhay nya…

 

Nasabihan ka na ba ng ganyan? Sakit diba? Yaan mo na lilipas din yan…

Maraming salamat sa paglalaan ng oras mo para basahin ito. Wag ka mag-alala, baka parating na rin yung tamang tao na maglalaan ng oras nya para sayo.

For more quotes please visit our site. Lovelovelove.!

(Visited 1 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *