10 Ways How To Reach Your Dreams


Karamihan sating mga pinoy ay madaling sumuko sa kanilang pangarap dahil sa mga pagsubok. Isa sa napakabigat na hadlang sa ating pagabot ng ating pangarap ay ang kahirapan, dahil sa kakapusan sa financial upang makapagaral isinusuko na ng iba ang kanilang mga pangarap humahanap sila ng ibang trabaho kung saan magpapakapagod sila nang todo upang kumita ng pera. Ngunit hindi ba talaga natin kayang abutin ang ating mga pangarap kung may mga ganitong hadlang para maabot ito?

You can't start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one

“You can’t start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one”

Lahat naman tayo ay naranasang mabigo, ngunit hindi natin malalaman kung anong sunod na mangyayari kung hindi natin haharapin ang mga pagsubok sa buhay. Tayo mismo ang gumagawa at nagsasaayos ng atin buhay, maniwala ka lang sa iyong sarili at sa iyong mga kakayanan. Kaya’t huwag manatili sa iilang parte ng iyong buhay, ikaw ang gagawa ng tadhana mo nasasayo kung tagumpay o pagkabigo ang nais mo.

“If PLAN A didn’t work the alphabet has 25 more letters! Stay cool”

Minsan sa ating buhay nararanasan nating mareject, Ok lang naman ang mareject basta “pagnadapa ka matoto kang bumangon” at ipagpatuloy ang iyong mithiin sa buhay. Tulad ng mga sundalo matoto rin tayong gumawa ng mga plano kung sakaling hindi epektibo ang una may plan b at plan c pa sabi nga ng matatanda “try and try until you succeed”

“You can’t change the direction of the wind but, but you can adjust the sails to always reach my destination”

Oo maraming hadlang sa pagabot natin sa ating pangarap subalit kung haharapin natin ang mga ito maaari nating malagpasan ang mga ito. Sapagkat ang mga hadlang na ito ang nagsisilbing daan upang tumatag tayo, tinuturaan lang tayo nito kung paano natin haharapin ang mga ilan pang pagsubok na darating sa ating buhay.

forget mistake remember lesson

“Forget mistake. Remember lesson”

Hindi masama ang magkamali, sapagkat ang pagkakamali ang nagiging daan upang tayo ay matuto. Oo hindi masama ang magkamali ngunit ang isipin lagi ang pagkakamali mong nagawa? Oo kasalanan mo narin ito sa sarili mo, bakit? Sapagkat patuloy mong sinisisi sarili mo sa pagkakamaling maaari mo namang ayusin o ayusin ang ating sarili upang hindi na maulit ang dating pagkakamali.

“Fear has two meanings- Forget everything and run or face everything and rise, the choice is yours”

Ang takot ay isa sa pinakamalaking hadlang sa pag-abot nang ating mga pangarap, sapagkat ang takot ang maaring pumigil sa atin. Bakit ung iba may problema rin sila sa financial, ngunit paano nila nakakamit ang kanilang mga pangarap? Simple lang conquer your fear at pagtatyaga sa pamamagitan nito maabot mo ang mga mithiing iyong ninanais. Kapag natutunan mong makipagsapalaran at sumugal para sa iyong pangarap doon mo lang malalaman na kaya mo pala.

“No matter how you feel, get up, dress up, show up and never give up”

Gaano man kabigat ang iyong problema, gaano man kalaki ang iyong suliranin huwag kang sumuko, kung kaya nila kaya mo rin. Always think positive huwag negative ang pagiisip sapagkat ito ang hihila sayo pababa , grab every opportunity kung sumablay ka subukan mo ulit, ipakita mo na kaya mo at hindi ka sumusuko sa bawat pagsubok na kakaharapin mo.

“If you can dream it, you can do it”

Walang pangarap ang hindi kayang abutin kung may tiyaga ka, walang hindi kakayanin kung desidido ka, wika nga ng iba walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Lahat naman ng pangarap mahirap abutin, ngunit kung iisipin mo at gagawan mo ng solusyon walang mahirap, at walang pagsubok na hindi kayang lagpasan.

Don’t be afraid to fail

“Don’t be afraid to fail. Be afraid not to try”

Minsan nagaalinlangan tayo sa ating kakayahan, nalilimutan natin na gusto natin ang isang bagay dahil sa takot. Ngunit paano mo ito makukuha kung hindi mo susubukan? Ipagpapatuloy mo ba ang iyong ito o susuko kanalang? Huwag mong hayaang kainin ka ng iyong takot isipi mo na kaya mo, at mapapagtagumpayan mo ang iyong takot na baka mabigo ka.

“Don’t call it a dream call it a plan”

Pangarap? Ang paniniwala ng iba sa pangarap ay mga nais natin na walang kasiguraduhan kung magaganap. Try mo kaya gawing plano ang pangarap mo upang magawa mo ito hindi puro ka lang pangarap, huwag mo na gayahin si Juan Tamad sumasabay lang siya ihip ng hangin (walang patutunguhan).

“Never give up on your dreams”

Mahirap man, malabo man o marami mang hadlang sa pagabot ng iyong pangarap kung talagang gusto mo huwag kang susuko, sundin mo ang nais nang iyong puso sapagkat dito ka magiging masaya. Marami sa panahon ngayon ang hindi masaya sa kanilang trabaho, sa mga nakamit nila sapagkat iba yung talagang nais nila maging.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *